Sobra-sobra ang pasasalamat ng aktres na si Lovely Abella at ang asawa nitong si Benj Manalo matapos matupad ang pinapangarap nilang resort sa Pampanga at sa kanyang IG ay ipinasilip ni Lovely ang ilang litrato ng ipinapaayos na resort at ikinuwento pa kung paano nila sinimulan ang magiging bagong negosyo.
“Matagal ng pangarap ng asawa ko @benj na magkaroon ng bahay sa tabing dagat pa ang gusto niya, pero dahil naiba ang Priority namin, nakalimutan na namin lahat ng yun, hanggang sa isang araw tinamaan ng Anxiety ang asawa ko at nag-aya siya na mag-outing,” sabi ni Lovely.
“Doon namin narealize na ang sarap magpahinga sa malayo, sarap magpahinga sa tahimik na lugar, sa lugar na tabi ng maraming puno at bigla namin to pinuntahan sa Mexico, Pampanga. Hanggang sa na-inlove na kami sa lugar na ‘to, dahil naisip na din namin na ipa-Private Rent na din sa iba,” dagdag niya.
Sabi pa ni Lovely sa publiko na hindi lang dapat idaan sa dasal ang mga pangarap sa buhay kundi dapat ay sabayan din ito ng aksyon.
“Kaya ikaw na nagbabasa nito, alam ko madami kang pangarap, madami kang plano sa buhay, pero hindi pwede na ipagdasal mo lang at si Lord na ang bahala, kasi kailangan sabayan ng sipag, tiyaga at diskarte sa buhay,” saad ng aktres.
“‘Di man agad binibigay pero tulad ng lagi kung sinasabi sa inyo may kanya kanyang plano sa atin si LORD magtiwala ka lang [folded hands emojis],” dagdag niya.
Taong 2021 nang ikinasal sina Lovely at Benj matapos ang anim na taong relasyon.
Kamakailan lang din ay inanunsyo ng mag-asawa na ipinagbubuntis na ni Lovely ang kanilang panganay na anak.