Nasawi ang limang miyembro ng pamilya sa Barangay Kilicao sa Daraga, Albay matapos na masunog ang kanilang bahay at ayon sa mga otoridad, pasado alas-9 na nila nalaman ang sunog kaya nahirapan na silang apulahin ito.
Patay ang mag-live in partner na nasa 35 at 34 anyos at nasawi rin ang mga anak nila na babae, 9; lalaki, 5, at lalaking sanggol na 11 buwan pa lamang.
Tanging ang panganay na anak lamang ng mag-asawa ang nakaligtas dahil hindi ito natulog sa nasunog na bahay.
Gawa sa light materials ang bahay kaya malaki na ang apoy ng mapansin ng ilang residente ayon kay Baranquil at halos wala umanong kalapit na bahay ito kaya walang nakapansin agad sa sunog.
Nagtulong-tulong naman ang mga residente sa pag-apula ng apoy pero dahil malayo ang pinagkukuhanan ng tubig kaya nahirapan ang mga ito sa pag-apula.
Malayo rin sa sentro ng Daraga, Albay ang Barangay Kilicao.