Aminado si Miles Ocampo na ipinauubaya na umano niya sa Diyos ang kanyang lovelife dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay napatawad na niya ang dating nobyo na si Elijah Canlas at nag-uusap na silang muli.
Sa isang panayam, sinabi ni Miles na in good terms na umano sila ngayon ni Elijah matapos ang kanilang hiwalayan noong nakaraang taon.
“I’m happy na naiwan lahat ng issues namin na ’yon sa 2023. And then we started this year na okey kami, nag-uusap na ulit and all,” saad ni Miles at dagdag niya, more than two years din naman daw kasi silang naging magkasintahan at marami raw silang happy memories na pinagsamahan.
“May mga bagay na nangyari, Ms. Karen, of course. Sa isang relationship naman hindi lang naman isang tao. Parang you have to make it work, kayong dalawa,” sabi ng dalaga.
“Siyempre, Ms. Karen, hindi rin naman biro ang pinagdaanan namin, of course. May mga bagay na kaming dalawa lang ang makakaalam at makakasagot sa isa’t isa. So might as well be friends for now,” dagdag niya.
Bukod pa roon, ang aktor daw kasi ang masasabi niya na kanyang true love at ang pinaka-una niyang naging boyfriend.
“First d’yowa. Hahahaha! First boyfriend, first everything,” natatawang sabi pa niya kay Karen.
Kaya naman kahit papaano ay may naiiwan pa rin siyang respeto at pagmamahal para dito.
“May pinagsamahan kami, matagal din kami. And kapag ganu’n na marami kayong pinagdaanan together, marami kayong happy memories together, ’di ba, parang I have so much love and respect for that person,” sabi ni Miles.