Isang 62 anyos na biyudang Australyano ang pinahintulutan ng korte na makakuha ng semilya ng kanyang yumaong mister para gamitin sa pagkakaroon nila ng anak sa pamamagitan ng surrogacy.
Ayon sa babae na hindi maaaring pangalanan dahil sa ilang legal na kadahilanan, naisip na nila ng kanyang mister na magkaroon ng baby bago pa siya mamatay.
Ito ay matapos masawi ng kanilang dalawang anak. Ang 31 anyos na lalaki nilang anak ay namatay sa isang aksidente sa kotse noong 2019. Nasawi din ang kanilang 29 anyos na anak na babae nang siya ay malunod habang nangingisda, anim na taon matapos pumanaw ng nakatatanda niyang kapatid.
Dahil sa pagkamatay ng dalawang anak, naisip daw ng mag-asawa na gamitin ang semilya ng lalaki para sa pagbubuntis ng isa nilang kalahi na magsisilbing surrogate para sa kanila sa pamamagitan ng in vitro fertilization.
Nang masawi daw ang asawa noong Disyembre 17, hiniling ng misis sa morge ng ospital na kolektahin at itago ang semilya ng mister.