Ayaw talagang pakabog ni Andrea Brillantes. Talagang maituturing niyang banner year niya ang 2023.
Ang latest kasi sa young actress ay tinalbugan niya si Liza Soberano s TC Candler’s 2023 The 100 Most Beautiful Faces of 2023 list.
Pumasok kasi sa Top 20 si Andrea sa listahan ng magaganda for this year. Nasa 16th place siya sa list and the only Filipina who made it to the Top 20.
Ang second placer last year na si Nancy McDonie of MOMOLAND ang nanguna sa listahan this year. Pumangalawa ang Russian model na si Dasha Taran and third was TWICE member Sana.
Kinabog ni Andrea sina Ivana Alawi (21), actress Liza Soberano (28), actress Janine Gutierrrez (45) and Belle Mariano (71).
Oh, ‘di ba, patapos na ang taon pero talagang humahabol pa rin si Andrea sa pinakamaingay na celebrities ng taon.
Iba ka rin, Andrea. Wala pang kakabog sa iyong alindog. Kahit itanong pa namin kina Seth Fedelin, Grae Fernandez, Ricci Rivero at Daniel Padilla.
***
Iba ring gumimik itong si Sharon Cuneta, ha.
Matapos mag-post ng cryptic messages sa kanyang Inatagram account, biglang kumambiyo ang palaos na megastar at sinabing hindi sila hiwalay ni senator Kiko Pangilinan.
Nag-iba ang drama ng hitad, talagang 360 degrees turn ang ginawa nito.
Sa kanyang cryptic post, may hugot si Sharon about relationships and loyalty and faithfulness.
“Love is unconditional. Relationships are not. The more you love yourself, the less nonsense you’ll tolerate.”
‘Yan ang mga aria ni Sharon sa kanyang Instagram page.
Ang ikinaloka ng lahat, nag-post si Sharon ng isang family photo nila na walang ulo si Kiko.
At para makabawi sa kanyang asawa, ang-post din siya ng another family photo na wala siyang ulo.
Kaloka ang drama ni Sharon, ha.
Pansin na pansin ng marami, masyadong insensitive itong si Sharon sa kanyang asawa. Parang hindi niya ito pinahahalagahan. Parang hindi niya ito nirerespeto. Respeto ba iyong mag-post ka ng photo na wala siyang photo.
At saka parang ang hilig-hilig nitong si Sharon na magpa-relevant. Para na rin siyang si Kris Aquino na kung anu-anong gimik ang ginagawa para lang pag-usapan siya.
Tapos na ang concert nila ni Gabby Concepcion pero nang-intriga pa siya. Kumita na sila ng milyones sa concert pero may pahabol pang chika ang lolah n’yo.
Ibinuking niya sa isang post sa Instagram na hindi na sila nagkausap ni Gabby after the presscon. Na wala na silang communication.
Dapat pa bang sabihin pa niya iyon? Obvious naman na ayaw siyang makausap ni Gabby, ‘no at pinagbigyan lang siyang makasama nito sa concert kahit hindi naman ito singer para lang kumita ng pera.
Ibinuking din ni Sharon na slightly ay na-hurt siya kasi kay Gabby nag-Pasko ang anak nilang si KC Concepcion.
Ang daming drama ni Sharon. Feeling niya ay relevant pa siya, eh, papunta na siya sa pagkalaos. Hindi nga nag-number one ang MMFF movie nila ni Sjaron, ‘no? Kung sabagay, maiintindihan naman namin ito dahil nagsama ang dalawang papunta na sa pagkalaos.