Pinag-iingat ng Department of the Interior and Local Government ang publiko laban sa mga online scams lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon sa ahensya, dapat umanong ireport ng publiko ang online scams sa pamamagitan ng website na www.scamwatchpilipinas.com kung saan makikita sa homepage ang hotline number na 1326 na maaaring tawagan para i-report ang online scams o sa pamamagitan ng pag-click ng messnger button sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation & Coordinating Center messenger.
Ayon pa sa DILG, naglunsad ang Scam Watch Pilipinas ng bagong website kung saan madaling maipapaabot ang reklamo ng direkta sa Inter-agency Response Center ng gobyerno na pinapatakbo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
Ang I-ARC na nasa National Cybercrime Hub ay isang task force na binuo para maging sentralisado ang pag-uulat ng cybercrime sa gobyerno na kinabibilangan ng National Privacy Commission, National Telecommunications Commission, Philippine National Police Anti-Cybercrime Group at National Bureau of Investigation Cybercrime Division bilang enforcement arm.