Tila may pagbabanta si Herlene Budol sa nagpalabas ng controversial convo nila ng kanyang Magandang Dilag leading man na si Rob Gomez.
Nag-react na kasi si Herlene sa chikang may romantic something sila ni Rob base sa convo nila na lumabas sa social media.
Sa X (dating Twitter) piniling magpaliwanag ni Herlene sa nasabing issue.
“ung tahimik lang ako at kaliwa’t kanan babad ako sa taping. Yung d ako maka focus sa trabaho dahil sa issue ng mag jowa na may anak. Tapos malalaman ko nakaladkad na lang pangalan ko at binabash ako na wala naman akong ginagawa.”
“Opo, Squammy man ako sa paningin nyo. indi ako hayok sa laman. Produkto ako ng broken family. Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos.”
“Yung batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan ay nahaluan ng mga joke at one liner tulad ng salitang “Kain” ganyan na agad ang tingin nyo sa akin. Sumakay lang ako sa mga joke dahil Komedyante ako kht alam ko finiflirt ako.
“Pero indi ako ganung babae sa mga binabatikos sa akin. FYI naka-dalawang National pageant na ako marami nag propose ng indecent proposal sa akin ng malaking halaga. Pero inicip ko nasa maayos naman karera ko at gusto ko pinaghihirapan indi yung one tym big tym.
“Besides, kung sino man nag labas na screenshot na yan ay pwede kong kasuhan ng Data privacy, defamation at cyber libel.”
‘Yan ang mahabang aria ni Herlene.
So, nangangamoy demandahan na ba ito, Herlene?
Anyway, ang daming nag-react sa post na iyon ni Herlene.
“May screenshots eh. Ano yung mga screenshots na yun? In’edit?”
“Mababaw ang paliwanag. Mas malinaw ang screenshots.”
“Less talk, less mistake. Pero sa statement mo, ikaw na mismo nagkukumpirma ng marumi mong gawain. Hindi mo lang ginigisa ang sarili mo, talagang niluto mo pa ang isyu pero in the end bumabalik sa’yo. Hindi ito usapin ng pagiging squammy mo, usapin ‘to ng pagiging kerengkeng mo.”
“Omg! Girl, have some dignity. Dapat d k na lang nag salita. Lalong naging issue. Juice ko. Kung hindi totoo, sabihin mo ng derecho. Para Hindi mas malaking ka chismisan. Sayang tsk tsk.”
***
Marami ang nakisimpatya sa It’s Showtime host na si Kim Chiu nang finally ay aminin nito sa Instagram na hiwalay na sila ni Xian Lim.
“End of a love story.
It took me a while to say this until today.
We owe our supporters the truth, but we also respect each other’s time of healing. In a relationship, love is always a significant factor, but sometimes love is not enough,” say ni Kim.
“Lastly, to Xi, Thank you for the almost 12 years of beautiful memories together one can never imagine. You will always have a place in my heart. Thank you for showing me what love is.
“As we close this chapter, I ask for everyone’s kindness and respect. I hope this clears everything as we all move forward with our lives,” dagdag pa niya.
Nag-comment ang It’s Showtime family niya na sina Anne Curtis,Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Jugs Jugueta, Cherry Pie Picache, Gretchen Fulido, Jugs Jugueta at ilang celebrities tulad nina Bianca Gonzalez-Intal, Gary Valenciano at Chie Filomeno.
“Naalala k pa yung sabi m wala na love lock nyo, sabi ni xi okay lang kasi kayo parin until then,” say ng isang fan.
“Hayssss very sad Ang tagl ko kinilig s inyo at ngsupport bkit gnun wlng forever Kyo….kla ko kyo n tlga,” say ng isa pang faney.
“Hayy my fave lowkey couple has come to an end. Love u Kim! God has greater plans to unfold,” sabi naman ng isa pang supporter.
***
Hindi namin kilala si Cedrick Juan na siyang gumanap na Father Jose Burgos sa Gomburza na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival pero siya ang nagmarka sa tatlong bida na kinabibilangan nina Enchong Dee na guymanap na Fr. Jacinto Zamora at Dante Rivero na gumanap na Mariano Gomez.
Talagang lutang na lutang si Cedrick sa premiere ng movie na ginanap sa Gateway Cineplex Cinema 5 last December 23. Pinalapakpakan nang husto ang kanyang finale act at talagang goosebumps ang naramdaman ng audience.
So, paano niya pinaghandaan ang kanyang role?
“Ako, personally, nag-research ako ng mga article na ginagawa ni Sir Ambeth Ocampo. At the same time, kung anu-ano pang available na mga account sa social medyo pero nandodoon ang pagpa-fact check. For sure, ang pinakamagiging goal ng pelikula ay ‘yung mas mag-generate pa siya ng questions. Sana hindi natatapos ang pagkilala natin sa history sa pelikulang ito. Sana isa lang ito sa mas marami pang pagkilala sa kanila,” say ni Cedrick.
Produced by JesCom Films and MQuest Ventures of MediaQuest, in cooperation with CMB Film Services, ang Gomburza ang pinakamatinong movie sa MMFF this year kaya naman worth ito panoorin.