Inihayag ng Department of Tourism na nalagpasan na nito ang kanilang year-end target para sa mga tourist arrivals at ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, pumalo na sa 5.070 milyon ang naitalang international visitors na malinaw na nalagpasan ang 4.8-M na target ngayong taon.
Sa nasabing bilang, nagdala ito ng P439.5 bilyon na kita ng gobyerno.
Ayon kay Frasco, nasa 91.88 percent na mga tourist arrvial ay mga dayuhan na katumbas ng mahigit 4.6-milyon na turista habang ang natitira ay mga overseas Filipinos.
Nangunguna umano ang mga South Koreans na bumisita sa bansa habang pumangalawa ang United States, pangatlo ang Japan at pang-apat nang mga taga-China.
Samantala, tinatarget ngayon ng DoT na maabot ang nasa 7.7-million na mga foreign visitors para sa arrival goal nito para sa susunod na taong 2024 at ayon kay Frasco, pumalo na sa kabuuang 5,069,752 na international visitors mula pa noong buwan ng Enero ng taong kasalukuyan.
Dagdag niya, ito ay nagpapakita lamang ng isang remarkable resilience ngayong taon sa kabila ng pagiging isa sa mga huling bansa sa Southeast Asia na magbukas muli ng turismo matapos ang pandemic.
Sinabi pa ni Frasco na sisikapin nila ang lahat para makamit ang naturang target foreign tourist arrival sa susunod na taon para na rin sa layuning ma-fully activate na muli ang convergences ng bansa kasama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.