Kasalukuyang itinatanghal na sa mga sinehan ang “Unspoken Letters”, unang pelikula ng tinaguriang Gen Z Drama Princess, si Jhassy Busran.
Sa ginanap nilang media conference kamakailan, ang mga award winning at seasoned stars na sina Tonton Gutierrez, Simon Ibarra at Gladys Reyes, aprubado ang galing na ipanakita ni Jhassy sa kanyang pagganap bilang dalagitang may special needs, si Felipe.
Para sa tatlo, professional, nakikinig, marunong magbigay ng emosyon, at tuwing kaeksena nila ito, buong-buo ag kanilang pananalig na si Felipa, ang katauhan ni Busran ang kanilang ka-eksena.
Sa mga nakapanood na nito nung premiere night, marami ang naantig ang damdamin at puso sa dramang pampamilya, humahaplos sa puso, at talagang naghahatid ng lambing at melancholia sa lahat ng mga manonood.
Para sa mga imbitado sa premiere, “a new star is born” ang dalagitang si Busran. Maliban sa mahusay nitong pag ganap sa kanyang katauhan, marami ang pumurisa gandang Filipina ni Jhassy, na asset nito ang kanyang kayumangging kaligatang skin tone, at mapanghalina ang kanyang natatanging hinhin na tamang-tamang para sa isang nagdadalagang Gen Z na tulad niya.
Kaya mga ka-Tirada, huwag magpahuli at panoorin ang “Unspoken Letters” sa mga sinehan at tiyak na kayo rin ay magiging taga-hanga at magmamahal sa Gen Z Drama Princess, Jhassy Busran.
***
Palaban na talaga sa hubaran ang Kapuso hunk at Sparkle artist na si Kimson Tan sa palatantuntunang “Lovers * Liars”.
Sigurado tayong hindi lang sila-silang mga Kapuso loyalista ang nanonood nito dahil nga sa isang public pink entertainment portal, may pag anin na pinakakatutukan nila ang palabas dahil nga isa si young master Tan na game na game na ibuyangyang ang kanyang makinis na katawang pang-romansa.
Dagdag pa sa karisma ni Kimson na pang-Asian drama ang kanyang looks at oo, mas lalong nakikiliti ang mga beki, mga tunay na babaing may pag-uugaling pang-beki, at mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki na ayaw na matawag na beki, dahil ang pinagkaka-abalahan ng katauhan ni Tan sa drama ay lalaking masahista na may special offer na happy endin. Ano yung ang happy ending? Ay! Sakdal busilak at linis, walang malay kung ano ang happy ending, huh! Iba rin!
Ang ilan pa sa mga Sparkle artist na go for gold ang pagbuyangyang sa kanilag katawang pang-romansa sa “Lovers & Liars” ay si Rob Gomez, na sure nating hindi baog dahil may baby girl na ito. Ang di pa natin sure ay kung keri niya bumuo ng baby boy. At si Yasser Mata, na wish ng mga diwata at sirena, ay huwag na ipa-trim o kaya ipa-wax ang body hair nito dahil nga mas tumataas ang kanyang sexiness factor pag au naturelle ang kanyang hairs sa dibdib at torso niya.
Naway maging household name si Kimson Tan at iba pang GMA 7 hubadero para naman mas masaya sa showbizlandia.
Sa true lang, si Kimson Tan, bagay na bagay kay Jhassy Busran, huh! Pwede silang maging Pinoy bersyon nina Dao Mingsi at Shancai, ang “Meteor Garden” katauhan na nagpasikat kina Jerry Yan at Barbie Hsu.