Aminado ang aktres na si Yen Durano na mas na-enjoy niya ang love scene nila ni Vivamax siren Angeli Khang kaysa sa kanyang mga male co-stars sa pelikulang Ganti-Ganti na bagong offering ng Vivamax.
Sa pelikula kasi, may love scenes si Yen sa tatlo niyang co-actors na sina Angeli, Sean de Guzman at Mark Anthony Fernandez at ibinahagi niya na mas nag-enjoy nga siya kay Angeli.
“Ito na lang, kung saan ako mas nag-enjoy. Hahaha! Siyempre, kay Angeli,” saad ni Yen at dagdag niya, magka-vibes daw kasi sila ni Angeli at marami raw ang nagsasabing para silang kambal.
“Para ko siyang twin. I think people say it a lot and I don’t take it in a negative way ’cause she’s nice. She’s a nice person. She has good energy. I love working with her,” sabi ng dalaga.
“Kahit off cam naman we hangout din. She comes to my gig when I have to perform. So, I appreciate that. We’re very much like sisters.”
Yen Durano, enjoy kay Angeli Khang