Aminado si Andrea Brillantes na hindi niya year ang 2023 when it comes to love.
Tanggap na tanggap niya na talagang hindi niya taon ang 2023 dahil masyadong nagging maintriga ang kanyang love life na nahaluan ng controversy.
Actually, aminado siyang malas siya sa pag-ibig this year.
“Honestly, tinitignan ko itong 2023 as pinakamalas ko sa pag-ibig in terms of romantically. Pero pinakasuwerte ko rin sa pag-big sa fans, sa friends, sa co-stars ko, sa casual viewers ko, sa management ko,” say ni Andrea sa vlog ni Luis Manzano.
“As in, ito po talaga ‘yung pinakamalas ko sa pag-ibig romantically. Pero grabe naman ‘yung balik sa akin, sa life ko itself. Sa pagta-travel ko, sa brand ko sa make-up, sa fans ko. Grabe ‘yung sukli, grabe naman ‘yung balik kasi nga sobrang malas ko sa pag-ibig,” dagdag pa ng Senior High actress.
Along the way, maraming lessons na natutunan si Andrea tulad ng “lahat talaga tayo ay aangat at babagsak.”
“Basta ang importante, lahat tayo ay aangat pa rin kapag na-acknowledge natin ‘yung mga maling ginawa natin.”
Nang matanong kung ano ang ideal man ni Blythe, she stressed na ayaw niya sa liar at cheater.
“Ang dami ko ng list noon na dapat hindi ka liar hindi ka cheater. Ang totoong lalaki hindi ‘yan nagsisinungaling talaga. Alam niya aminin ‘yung katotohanan na buong-buo. Ang dami pang pasikot-sikot na oo aamin pero hindi lahat. Kumbaga, I don’t want a boy. I want a man,” say ni Andrea.
“Ang dami ko laging sinasabi. Pinagdarasal ko pa nga. Dati hinahanap ko loyal. Iba kasi ang loyal sa faithful.
“Ang loyal, kapag may dumaan na chicks, titingin yan pero doon pa rin siya sa mahal niya. Normal din naman yung ma-attract ka sa ibang tao. Doon ka pa rin sa mahal mo at wala kang gagawin sa feelings mo na yan. Pero ang faithful, kahit may chicks dyan, titingin lang siya sa asawa niya. Kahit na nasa harap mo mga sexy na babae, hindi ka talaga titingin. Doon ka lang sa asawa mo. At hindi ka nakaka-feel ng kahit na anong attraction,” say ng dalaga.
“Loyal na lang. Ang hirap, e. Pero kung may faithful, Lord please. ‘Yun talaga, loyal, maalaga, gentleman, marespeto, totoong lalaki. Ayun na lang hinihingi ko, a real man. Kasi a real mean, I believe they know how to settle, alam nila kung paano na makunteno sa isa at gusto ko talaga one-woman man,” dagdag pa ni Blythe.
***
May follow-up propject agad sina Kim Chiu at Paulo Avelino matapos ang highly successful series nila sa Prime Video na Linlang.
Sila ang magkasama sa Pinoy adaptation ng highly successful rom-com series na What’s Wrong With Secretary Kim.
May kumakalat na chikang magdyowa na ang dalawa at nagkamabutihan sila habang ginagawa ang Linlang.
May chika rin na hiwalaya na sina Paulo at Janine Gutierrez. Ganito rin daw ang drama nina Kim at Xian Lim at obvious na hiwalay na sila dahil wala na silang photo together ng It’s Showtime host sa Instagram.
Marami ang na-excite sa muling pagsasama nina Kim at Paulo and they expressed it sa comment section ng IG photo ni Kim as Secretary Kim.
“Oh my! Di pa man nagkakapartner si kim and paulo sa linlang, dati ko pa naiisip na if ever magkakapinoy adaptation to bagay kay kim and Paulo,” say ng isang faney.
“Sobrang bagay!! Can’t think other girl for this role except you!!!” say naman ng isa pang faney.
“Ngaun na lang ulit ako na excite manood ng kdrama adaptation!! Super bagay kay kim at paulo! instant fan na ako hahahaha,” kinikilig na say ng isang fan ni Kim.
Pero may isang supporter si Kim na iba ang view sa pagtatambal niya kay Paulo.
“Hala si kim chiu at paulo avelino ulit? Kaya ba d na naglike or comment man lang si xian sa posts ni kim and vice versa? Affected ako. Hahahaha!! Hoping pa naman ako na ma-engage ma sila soon. Bagay din naman kay Xian ung role,” say ng fan.