Inaprobahan ng mga opisyal ng isang pamantasan sa Thailand nitong nakaraang lingo ang pag-leave ng mga estudyanteng nireregla.
Ang karapatang mag-period leave sa Thammasat University sa Pathum Thani ay ang kauna-unahan sa mga kolehiyo sa bansa.
S a i l a l i m n g p a t a k a r a n , maaaring payagan ng mga guro na huwag pumasok ang estudyante na nireregla dahil sa kaakibat nitong kirot, sakit sa ulo at pagod.
Subalit hindi nabanggit sa pahayag kung gaano katagal ang leave o absence ng nireregla.
Ang Thammasat University ang pangalawang pinakamatandang pamantasan sa Thailand at itinuturing na progresibo.
Kilala ito sa kursong abogasya at pulitika.
Sa ibang bansa, pinapayagan na ring makapag-leave ang mga empleyadong nireregla tulad ng Japan, Indonesia at Espanya.