May panibagong heartbreak ang Kapuso aktres na si Carla Abellana.
Batay iyan sa kanyang post sa Threads, ang bersyon ng Facebook sa X, na dating Twitter.
“Heartbreaking” ang reaksyon ng star ng bagong GMA teleserye na “Losing Life” sa binayaran niyang $11,087.33 sa kanyang credit card.
“Lord, how will I pay for the $11,087.33 that was charged to my BDO Mastercard?” post niya na may pleading face emoji, ayon sa ulat ng GMA News Online.
Katumbas ng nasabing halaga ay P621,904.97 batay sa palitan ng dolyar at piso nitong Lunes, ayon sa ulat.
Hindi naman sinabi ni Carla kung walang abiso sa kanya ang singil sa kanyang credit card.
“Losing hope…” aniya.
Tila hawig ang kataga sa titulo ng bago niyang teleserye na “Losing life” kung saan kasama niya sa main cast sina Gabby Conception at Beauty Gonzales.
Hindi naman bago na ang mga online scam at kung sakaling nabiktima siya ng panloloko ay maaari niya ayusin ito sa kanyang bangko.
Sakali namang pagkakamali niya ang grabeng singil, mababawi rin naman niya ito dahil sa kanyang bagong teleserye na nag-premier na nitong Lunes.
Sa “Losing Life,” ginagampanan ni Carla ang papel na Lucy o asawa ng mayamang si Darius (Gabby Concepcion) na inaagaw sa kanya ng kanyang pinsan at assistant ni Darius na si Farrah na papel naman ni Beauty.