Iniulat ng mga otoridad na arestado na ang suspek sa pagpatay sa 17-anyos na babae na pinagpapalo ng martilyo sa ulo sa loob ng kaniyang bahay sa Caloocan City nitong Lunes ng madaling araw.
Ayon sa mga ulat, sinabing nakuhanan ang suspek ng damit na may dugo na isasailalim sa forensic examination.
Madaling araw nitong Lunes nang makita ng mga kapitbahay ang biktimang si Daisy Mae Notario, na duguan sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Barangay 12.
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara na siyang dead on arrival sa ikalawang ospital na pinagdalhan sa kaniya.
Ayon kay Efren Notario, ama ng biktima, nag-iisa lang sa bahay ang kaniyang anak dahil nagdala siya ng mga paninda sa kaniyang asawa sa Bulacan.
Puwersahan daw pinasok ng salarin ang bahay at ilang gamit ng pamilya ang nawawala.
“Nawawala iyong panggawa ko ng gulong, cellphone niya at pera niya,” sabi ni Efren.
Sa nauna pang post, sinabi ni Caloocan Police Chief Police Colonel Ruben Lacuesta, na may isang “person of interest” sa krimen na nasa kanilang kostudiya na tinawag ding “suspek.”
Isinailalim umano ang suspek sa pagdukumento ang suspek. Nakuha umano rito ang damit na suot niya nang mangyari ang krimen ay may dugo.