Isang Nigerian National ang nasawi matapos umanong bugbugin ng mga katrabaho nitong Chinese nationals sa isang call center sa Mandaue City sa Cebu dahil minolestiya umano nito ang kasamahan nilang Chinese.
Base sa mga paunang ulat, nitong nakaraang Sabado nang dalhin sa pulisya ng mga Chinese ang Nigerian at sa itsura nito ay mukhang niluray na siya ng mga nagdala sa kanyang Chinese.
Dinala pa sa ospital ang Nigerian pero namatay rin kinalaunan.
Itinanggi naman ng nobya ng Nigerian ang paratang ng mga Chinese sa biktima at kinalaunan ay sinampahan ng reklamong human trafficking ang anim na Chinese bukod sa reklamong murder.
Base sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa kasamahan ng biktima sa call center, 10 empleyado ang na-rescue.
Tumangging magbigay ng pahayag ang mga Tsinong suspek.