Ilang mga netizens ang nakapansin na talagang hanggang ngayon ay sweet pa rin sa kanyang ama ang sexy actress na si AJ Raval at naging evident nga ito nang batiin ng dalaga ang kanyang ama na seasoned actor na si Jeric Raval.
Sa kanyang IG, nagbigay ng tribute si AJ at nagpasalamat sa kanyang ama dahil inuuna raw nito ang kaligayahan at kapakanan ng kanilang pamilya.
“Thank you for your firm commitment and guidance to ensure our happiness and well being. I appreciate the sacrifices you have made to provide for our family,” mensahe ng Vivamax actress sa kanyang tatay sa kanyang IG post kung saan makikita ang kanilang mga larawan.
Nagpasamat din s’ya sa tatay n’ya sa mga naibahagi nitong karunungan at pagbibigay ng panahon sa kanila na mga anak nito.
“Thank you for all the Advice, wisdom and valuable lessons you have instilled in me. At ang pinaka sa lahat ay ang pag bigay mo ng oras at atensyon saamin [Red heart emoji],” sabi pa ni AJ.
Tiniyak din ng 23-year-old actress na kahit anong mangyari, ang kanyang ama ang mananatiling kanyang first love.
“You will always be the first man I ever loved Tatay Erick [Red heart emoji],” pagtatapos n’ya.
Matatandaang nagpahayag ng suporta si Jeric sa relasyon ng anak n’yang si AJ at nobyo nitong si Aljur Abrenica.
Sa interview nito with Fast Talk With Boy Abunda last August, sinabi nitong hindi s’ya tutol sa relasyon nina AJ at Aljur pero may pakiusap lang siya sa aktor.
Kapag napawalang-bisa na raw ni Aljur ang kasal nito sa ex-wife nitong si Kylie Padilla, gusto umano n’yang pakasalan nito ang kanyang anak.