Aminado ang aktres na si Andrea Torres na talagang enjoy siya sa kanyang ginagampanang role sa Kapuso series na “Love Before Sunrise” dahil for the first time ay kontrabida ang kanyang character sa serye.
Sa naging panayam with King of Talk na si Boy Abunda, masayang ikinuwento ni Andrea ang kanyang mga naging karanasan bilang kontrabida at ayon sa kanya, gusto niyang ma-challenge ang sarili kaya niya naisipang tanggapin ang pagiging kontrabida.
“Parang gusto ko kasing mag-grow as an actress. So feeling ko, dapat talaga china-challenge ko ang sarili ko,” saad ni Andrea. “So coming from ‘Sisa’ na aping-api na nakita kong umiyak sila with me, parang gusto ko lang i-test kung ano kaya ang magiging reaksyon naman nila pagka gumawa naman ako ng kontrabida na role.”
Nang tanungin naman siya ni Tito Boy kung ano-ano ang mga natuklasan niya sa bago niyang role.
Para kay Andrea, tila na-eenjoy niya ito dahil mas malaya siyang gawin kung ano ang pwede niya i-arte.