Iminungkahi ni Pope Francis nitong Linggo na huwag umanong gawing biro o laro ang usaping pagbibigay ng armas sa Ukraine pagkatapos ay aatras sa kanilang mga pangako.
Ito ang naging tugon ng Santo Papa sa tanong tungkol sa kung siya ba ay nakakaramdam ng kabiguan ngayong ang kanyang mga pagsisikap na magkaroon ng kapayapaan ay hindi nagtagumpay.
Ayon kay Pope Francis, nakaramdam siya ng pagkabigo at kasabay nito ang pagbibigay niya ng pahayag tungkol sa industriya ng armas at digmaan.
“It seems to me that the interests in this war are not just those related to the Ukrainian-Russian problem but to the sale of weapons, the commerce of weapons,” saad ni Pope Francis.
“We should not play games with the martyrdom of this people. We have to help them resolve things … I see now that some countries are moving backwards, not wanting to give (Ukraine) arms. A process is starting in which the martyr certainly will be the Ukrainian people and that is an ugly thing,” dagdag niya.
Samantala, pangunahing tinalakay ni Pope Francis sa kaniyang pagbisita sa Marseille, France ang problema ng pagdami ng mga migrants.
Nakipagpulong ito sa mga opisyal ng lungsod para talakayin ang dumaraming nasasawing mga migrants na nagtutungo sa nasabing lugar.
Mararapat umanong gumawa na ng hakbang ang gobyerno para matigil na ang pagdami ng mga lumulubog na bangka na sinasakyan ng mga migrants na naghahanap ng magandang buhay.
Dagdag pa niya, ayaw niyang matawag na tila isang sementeryo ang Mediterranean dahil sa dami ng mga nasasawing tumatawid sa nasabing lugar.