“I’m really pro-China. What will I do with America? This is the one that will invest in us. They’re the ones interested in us.”
Pahayag iyan ni Cagayan Gov. Manuel Mamba sa isang artikulo na nailathala sa inquirer.net noong 23 Enero 2023.
May kaugnayan ito sa pagtutol ni Mamba sa noo’y planong pagdaraos ng Pilipinas at US ng live-fire military exercises sa Claveria, isang bayan sa Cagayan na nakaharap sa katimugang bahagi ng Taiwan.
Matindi rin ang naging pagtutol ng gobernador sa pagtatayo ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa kanilang lalawigan, sa Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana at sa Lal-lo Airport sa Lal-lo.
Katuwiran ng gobernador, nalalagay sa alanganin ang Chinese economic investments.
Para kay Professor Chester Cabalza, president at founder ng think-tank group na International Development and Security Cooperation, baka sakaling tumindi ang tunggalian ng US at China dahil sa nakaambang “pagbawi’ ng Beijing sa Taiwan.
Kapag nagkataon, lalabas ito bilang US-Taiwan-PH versus China at magiging isang “naval warfare” dahil ang Indo-Pacific ay napapaligiran ng karagatan kaya’t ang tunay na labanan ay magiging naval.
Binigyang-diin ni Cabalza, “access to EDCA sites is being offered because if it’s naval, for example there’s a war in Taiwan, the midway there is most likely, Taiwan to Batanes. What will happen there, our ships and the ships of the US and our like-minded partners and allies will be turned around, they will be turned around Isabela on their way down, they don’t have shortcut access so if they can rehearse that shortcut, it will be a big deal.That is from Cagayan going to Zambales immediately to Palawan.”
Napakahalaga na may kamalayan ang mga lokal na opisyal hinggil sa national security at regional security upang mabatid nila ang “geographical importance” ng kanilang mg lalawigan at ng Pilipinas dahil hindi naman maiiwasan ng Pilipinas ang masangkot sa US-China competition, bunsod ng geographical location ng ating bansa.
Kamakalawa ay nagpahayag nang pagkadismaya si Ret. Marine Col. at Medal of Valor awardee Ariel Querubin dahil kasama niya ang ilang retiradong heneral, hindi sila pinayagan na gamitin ang Heroes’ Lounge sa Tuguegarao Airport.
Reserbado umano ang Heroes’ Lounge sa “Chinese-looking individuals.”
“After a very fruitful trip in Isabela and Tuguegarao the past few days, I was very disappointed to find that myself and a handful of retired generals were not allowed to use the Heroes Lounge of the Tuguegarao Airport because it was reserved for these chinese looking individuals. Are the Chinese the new heroes in this country? Definitely NOT! Attention to CAAP Airport Manager Mary Sulyn Sogorsor. Please take accountability for this,” sabi ni Querubin sa kanyang paskil sa Facebook.
Kung si Mamba ay lantarang pro-China, hindi na dapat magtaka si Querubin kung nagtatamasa ng espesyal na trato ang mga Chinese sa lalawigan.
Kaabang-abang kung hanggang saan hahantong ang pag-alma ng battle-tested warrior laban sa isang political warlord mula sa Tuao na “tuta” ng mga singkit.