Walang basehan ang mga akusasyon na nawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal sa panahon ng administrasyong Aquino III, ayon kay dating Sen. Antonio Trillanes IV.
Buwelta ito ni Trillanes sa pahayag ni Sen. Robinhood Padilla kay dating Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas na huwag nang pumapel sa usapin ng West Philippine Sea (WPS) dahil sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III nawala umano sa hurisdiksyon ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.
“ Sa panahon niyo nawala ang Scaborough Shoal. Kaya ‘wag na po kayo pumapel sa panahon namin,”ani Padilla kay Llamas noong Miyerkoles.
Sagot ni Trillanes, “If there is no physical occupation by China and there are much stronger legal Philippine claims, what is now the basis of this often repeated lie that we lost Scarborough during PNoy admin? WALA!” aniya.
Payo niya kay Padilla, magsaliksik muna bago ibuka ang bibig sa mga mahalagang usapin.
“To Senator Robin Padilla, my unsolicited advice sa ‘yo ay mag-research o magtanong sa iyong mga advisers o staff bago magsalita tungkol sa mga importanteng bagay,”sabi ng dating senador.