Kinondena ng Integrated Bar of the Philippines ang pagpatay kamakalawa sa commissioner on bar discipline nito na si Atty. Maria Saniata Liwliwa V. Gonzales Alzate, sa Bangued, Abra.
Nanawagan ang IBP sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang krimen, kasama ang iba pang hindi nalutas na krimen laban sa mga abogado.
“We ask that they ensure the expedient resolution of these investigations, thereby holding the perpetrators truly accountable,” anang IBP.
Sinabi ng grupo na si Alzate ay itinaguyod ang pinakamataas na pamantayan ng legal na propesyon, na nag-iiwan ng isang matibay na pamana para sa ating lahat.
“We unite in solidarity with the legal community and the family of Attorney Alzate. We honor her memory as an esteemed public interest lawyer and a dedicated Commissioner of the Integrated Bar,” sabi niya.
Anang IBP na ang pagpaslang kay Alzate ay nagsisilbing matinding paalala ng malaganap na banta na kinakaharap ng mga abogado, hukom, at opisyal ng Korte sa buong Pilipinas.
“In a society built upon the foundations of justice and equity, there is no place, nor can there be any tolerance, for those who would assail those dedicated to upholding the legal profession and cause of justice,” sabi ng IBP.
Batay sa Human Rights Watch noong 15 Marso 2021, umabot sa 110 abogado ang pinaslang mula 1972 at 61 sa kanila’y pinatay mula noong 2016 o sa panahon ng administrasyong Duterte.
Mula noong 2004, pitong kaso lamang ang naisampa laban sa mga suspect na ang mga biktima’y abogado.
Ayon sa Free Legal Assistance Group (FLAG), isa sa dalawang nongovernmental groups na nakatutok sa pagpatay sa mga abogado, mahigit kalahati sa mga ito’y may kinalaman sa kanilang trabaho.
Para sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), isa ring grupo na nagmonitor sa mga pag-atake sa mga abogado, karamihan sa mga pinatay ay abogado ng mga biktima ng “war on drugs” o kaya ‘y biktima ng human rights violations.
“Almost all perpetrators have never been brought to the bar of justice,”anang NUPL.