Tila hindi pinawisan ang Bacoor nang kanilang gapiin ang Negros, 88-72, para higpitan pa ang paghawak sa liderato ng MPBL Fifth Season sa Wes Arena sa Valenzuela City.
Naiposte ng Strikers ang kanilang ika-22 na panalo habang mayroon pa lang apat na talo at patuloy na bumandera sa South division ng torneo.
Pero bumida rin ang Caloocan kung saan ginulpi nila ng todo ang Rizal XentroMall Golden Coolers, 108-82.
Sa kanilang huling panalo, umangat sa 19-8 record ang kartada ng mga Batang Kankaloo.
Pinangunahan ng beteranong si Mark Yee ang Bacoor kung saan bumida siya sa pagtipa at tulungan ang kanyang koponan na lumayo, 65-44, sa third quarter.
Tumapos nang may 12 puntos si Yee, para supprtahan ang 13-point output ni Mark Montuano.
Nag-ambag rin ng 12 si Alwyn Alday at 10 naman si John Lopez.