Pinayuhan ng kanyang mga doktor si Bulacan Gov. Daniel Fernando na magpahinga muna dahil sobrang pagod at dehydrated ang gobernador,ayon sa kalatas ng tanggapan ni Fernando.
Noong Lunes, 11 Setyembre 2023 ng gabi matapos mag-opisina (People’s Day), si Fernando na sya ring founder ng DFMI ay pumunta sa isang pagtitipon sa Bulacan Capitol Gymnasium at doon ay may kakaibang naramdaman.
Daglian siyang nilapitan ng Bise Gob. Alex C. Castro upang mabigyan ng pang unang lunas.
“Sa ngayon siya po ay kasalukuyang nagpapahinga at maganda na ang kalagayan sa tulong ng ating Panginoon. Ayon po sa kanyang mga doktor ay nasobrahan lamang po sa pagod at dehydrated ang ating The People’s Governor.”
Nagpasalamat ang tanggpan ni Fernando sa lahat ng nagdasal, nangamusta at nagmamahal kay Fernando. (DSV)