Naglabas ng babala ang Bureau of Immigration nitong Linggo para sa mga overseas Filipino workers laban sa “third country recruitment” na nag-aalok umano ng mga trabaho sa ibang lugar kung saan hindi naman sila lehitimong na-hire.
Paliwanag ng BI, ang mga OFW na may expired visa ay makakakuha ng alok na maihatid sa ibang teritoryo at kalaunan ay i-recruit sa isang ikatlong bansa, na iiwan ang gobyerno na walang anumang rekord ng kanilang paglipat base na rin sa sistemang ito.
Ang babala ay inilabas ng Immigration Bureau nang ma-deport ang limang Pilipino mula sa Moscow, Russia noong Biyernes at kasama sa grupo ang isang lalaking umalis bilang turista para bisitahin ang aniya ang kanyang asawang OFW sa Russia, ngunit nag-overstay sa bansa dahil sa pandemya.
Ang apat na iba pa ay umalis bilang mga OFW na may valid overseas employment certificates.
Tatlo sa mga babaeng biktima ay mga OFW sa Hong Kong at na-recruit para lumipat sa Russia nang mag-expire ang kanilang mga kontrata. Ang isa pang babaeng biktima ay nagtrabaho bilang isang yaya sa Russia at nanatili sa kabila ng pag-expire ng kanyang kontrata.