Patay ang dalawang tao, kasama ang isang 47-anyos na babaeng nadamay lamang, sa engkuwentro ng pulisya at dalawang motorcycle riders sa Santa Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng GMA News, sinabing lumabas sa imbestigasyon na nasita ang mga nakamotorsiklong suspek sa isang checkpoint sa Recto Avenue, ngunit nakipagbarilan umano sila.
Nasawi ang driver ng motorsiklo, habang sugatan ang kaniyang angkas, at itinangging nagpaputok siya ng baril.
Patay din ang babaeng biktima na nadamay lamang sa engkuwentro nang magtamo ng bala sa ulo.
Patuloy na inaalam kung nagmula ang bala sa mga suspek o sa mga pulis.
Nagpapagaling din sa ospital ang dalawang sugatang pulis sa engkuwentro.
Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.