Hindi kinikilala ng Pilipinas ang idineklarang Annual fishing ban sa ilang pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Ayon sa DFA, ang fishing ban na ipinatupad ng China mula 1 May hanggang 16 Agosto ang naging tampok sa inihaing diplomatic protests ng Pilipinas.
“We will continue to register our formal opposition to it. It is an illegal exercise of state authority in so far as they cover the Philippines’ maritime zones,” sabi ng DFA sa isang kalatas.
Ipinatutupad ng China ang fishing ban kada taon mula noong 1999.
Nanawagan ang Pilipinas sa China na gumawa ng mga aktibong hakbang upang maiwasang makapasok ang kanilang fishing fleets sa territorial sea at exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
“The Philippines is ready to take law enforcement measures on illegal fishing activities in its waters,” sabi ng DFA.
Noong 2013, hinamon ng Pilipinas ang legal basis ng China sa pangangamkam sa South China Sea sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.
Nanalo ang Manila sa kaso sa isang landmark ruling noong 2016 matapos pawalang bisa ng tribunal ang nine-dash line ng Beijing sa SCS.
Hindi kinilala ng China ang arbitral ruling at nagpapatuloy sa kanilang illegal at marahas na aksyon laban sa mga mangingisda at tropang Pinoy sa WPS.