Ipinangalan ng scientists na nagtatrabaho sa Peru ang bagong species ng ahas kay Harrison Ford bilang pagkilala sa suporta ng “Indiana Jones” actor sa conservation work.
Ang 40 cm (16 pulgada) reptile ay unang natuklasan noong May 2022 sa kagubatan ng Otishi National Park, ayon sa San Marcos National University.
Ngunit kamakailan lamang nabisto ng researchers na dati na itong species ngunit wala lamang pangalan.
Ang ahas ay may yellowish-brown color, may batik na itim, black belly at copper eyes.
Binigyan ito ng scientific name na Tachymenoides harrisonfordi.
Unang itong natagpuan ng isang pangkat na pinamunuan ni Edgar Lehr, isang US-German biologist.
“I found out that Harrison Ford agreed to have his name used via a consultation that Conservation International made,” aniya.
Nadiskubre ang ahas sa isang area na maaari lamang marating ng helicopter.
“It took us seven days to find it,” sabi Lehr.
Harmless aniya ito sa adult humans ngunit mahusay sa paghahanap ng mga palaka at butiki.