Isang surgical mission ang isasagawa sa San Vicente District Hospital, Palawan mula ika-18 hanggang 20 ng Agosto.
Pangungunahan ito ni Sandiganbayan Justine Geraldine Faith A. Econg kasama ang iba pang mga health professionals mula sa Manila at Cebu.
Bubuuin ng mga surgeons, obstetricians/gynecologists, opthamologists, dentists, at iba pa ang nasabing surgical mission.
Kabilang sa mga serbisyong maaaring makuha ng libre ng Palaweños ay laparoscopic surgery, mastectomies, anal surgery, cataract surgeries at dental procedures.
Ang surgical mission ay bunga ng pagtutulungan ng Sui Generis Missions, League of Municipalities of the Philippines (LMP) Palawan Chapter, at ng pamahalaang panlalawigan.