Matatanggap na ng mga guro sa cash ang kanilang P5,000 chalk allowance sa panibagong taon ng paaralan.
Ayon sa memorandum ng Department of Education (DepED), makukuha ng mga bagong hire na guro ang nasabing allowance sa loob ng 30 na araw.
Samantalang ang mga gurong uupo sa kanilang tungkulin pagkatapos ang isang buwan ngunit hindi hihigit sa 90 na araw ay makukuha ang 80% ng kanilang cash aid.
Magsisimulang tumanggap ng allowance ang mga guro sa ika-29 ng Agosto.
Noong Mayo, nagpasa ang Senado ng panukalang batas na magtataas ng cash allowance ng mga guro mula P7,500 ngayong parating na pasukan at P10,000 sa mga susunod pang taon.
Nananatiling nakabinbin ang bersyon ng panukala sa kKamara sa antas ng komite.