Hinamon ng isang senador kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na basbasan na ang pag-amyenda sa 1987 Philippine Constitution upang makapagdeklara ng batas militar.
Sinabi ni Sen. Robinhood Padilla ang ginagawang panggigipit sa Pilipinas ng China sa West Philippine Sea ay maituturing na ‘imminent danger’ na kailangan tugunan ni Marcos Jr. ng batas militar.
Ngunit hindi kasama aniya sa kasalukuyang Saligang Batas ang imminent danger bilang isa sa mga dahilan para makapagdeklara ng martial law ang Pangulo kundi invasion at rebellion pero sa 1937 Constitution ay kabilang ito.
“Ang gusto ko lamang po tumbukin, mahal na pangulo, kung umaabot na po tayo sa ganitong sitwasyon na ang buong Senado ay tayo po ay gigil na gigil sa ginawa ng Tsino, gusto ko lamang pong ipaalala sa ating lahat na meron din tayong obligasyon dito sa apat na sulok ng Senado,” sabi ni Padilla.
“Meron po tayong isang probisyon sa ating Constitution na dapat ito talagang amyendahan. At yan po ay tungkol sa pagdedeklara ng Martial Law. Kasi sa 1973 Constitution, malinaw po doon na sinasabi ang imminent danger. Dito po sa 1987 Constitution, tinanggal po yan ang imminent danger at ang naiwan doon ay invasion, rebellion,” dagdag niya
Para kay Padilla, ang pambobomba ng Chinese Coast Guard sa arkiladong barko ng Philippines Coast Guard na patungo sa Ayungin Shoal para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.
“Ginoong Pangulo, kailan ba tayo aaksyon? Yan po ang tanong ko. Ito po ba ay sa palagay po ba natin ay maging aantayin pa natin ang invasion?” sabi ng senador.
“Ang sabi po ng talumpati ng ating ginoong pangulo, sila po ay ilang nautical miles na lang sa Palawan. Hihintayin ba nating lumanding muna sila sa Palawan bago po natin baguhin ang Constitution natin at amyendahan at ilagay natin ang imminent danger?”
Magkaiba naman aniya ang martial law ni Marcos Jr. kompara sa batas militar ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr noong 1972.
Nais ni Padilla na gamitin ang Marcos Jr. martial law para ma-organisa ang mga Pilipino ng tama.
“Di naman ibig sabihin ng ML pag dineklara mo tayo ay mag-flashback sa 1972. Di po ganoon. Ang ML isang bagay para ang ating mga Pilipino ay maorganisa natin nang tama,” pagtatapos ng senador.