Ipinangalandakan ng Kapuso actress na si Julie Ann San Jose na hindi siya lolokohin ng kanyang nobyong si Rayver Cruz.
Giit ng aktres, hindi sila mapapabilang sa mga relasyon na may cheating issue dahil nagsimula sila sa pagiging magkaibigan.
“Naniniwala ako na ang friendship ang best foundation ng isang relationship. Hindi ko na kailangang mag-pretend,” ani San Jose.
Sinabi ng aktres na importante sa kanya ang comfortability at honesty, bagay na meron sa kanilang relasyon.
Nagkakilala ang magkasintahan noong 2018 matapos lumipat si Cruz sa GMA-7. Nalaman ng publiko ang kanilang relasyon sa concert ni San Jose matapos silang magpalitan ng “I love you,” noong Nobyembre 2022.
Bida ang magkasintahan sa pelikulang “The Cheating Game,” na mapapanood na sa mga sinehan.