Natagpuan ang bangkay nang nagbigting 63-anyos na babaeng Chinese national matapos umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa kanyang condominium unit sa Ylaya Mansion, Tondo Manila.
Nabatid kay PSMS Jansen Rey San Pedro, imbestigadorsa Manila Police District -homicide section, ang biktima ay nakatira sa Unit 704 Ylaya Mansion, Tondo.
Napag-alaman na isang residente mula sa 7th floor ang nagreklamo sa security guard na may mabahong amoy na nagmumula sa room 704.
Agad nagtungo si security officer Raymond Dela Pena sa barangay nang walang magbukas sa silid ng biktima.
Tumambad sa kanila ang inaagnas na mga labi ng biktima na nakabigti.
Ang biktima ay mahigit isang dekada nang nakatira sa condominium at huling nakitang buhay noong 26 Hulyo.