Winakasan na ni Charlie Dizon ang mga haka-haka sa tunay na namamagitan sa kanila ni Carlo Aquino.
“Opo, boyfriend ko po,” pahayag niya nang ipakita sa kanya ang larawan ng aktor sa programang “Gud Morning Kapatid” sa TV5 kamakailan.
May sampung taong age gap ang magkarelasyon, si Dizon ay 27-anyos habang si Carlo ay 37 taong gulang.
Unang pagkakataon na inamin ng aktres sa publiko ang real score sa kanila ni Aquino.
Inilarawan niya ang aktor bilang isang “supportive partner.”
Sa Star Magic US tour,aniya nag-umpisang makilala nila ng husto ang isa’t isa.
“Paano nag-click? Di ko alam, e, kasi makuwento talaga akong tao. Tapos siya yung mas tahimik, so siguro dun mas na-balance,” anang aktres.