Aminado ang sexy actress at Vivamax bombshell na si Angeli Khang na talagang matitinding sex scenes pinaggagawa niya sa latest movie niyang “Tayuan” kung saan kasama niya sina Chester Grecia at PJ Rosario mula sa direksyon ni Topel Lee.
“I play Ella, an events project manager. She’s an empowered woman who gets what she wants. One time, wala akong ma-book na ride online. E, I was in a hurry so I was forced to take a bus. Puno na pala yung bus, tayuan na, kaya yun ang title ng movie. Also, marami sa love scenes nangyari nang nakatayo kami sa loob ng bus, kaya double meaning yung title,” saad ni Angeli sa isang mediacon.
“Dahil jampacked yung loob ng bus, nu’ng sisingilin niya na ako ng bayad sa pamasahe, nasiksik ako nang ibang pasahero at talagang our bodies get pressed against each other. Naramdaman ko yung katawan ni Rico at na-arouse ako. E, may pagka-playgirl ako rito. May boyfriend na ako, si PJ Rosario as Harold, pero nilalandi ko pa rin si Chester as Rico. He really had a big impact on me,” dagdag pa niya.
At dahil nagustuhan niya si Chester, naging stalker siya nito hanggang sa malaman niyang may asawa na ito, si Bing na ginagampanan ni Stefanie Raz.
“But persistent ako rito. Gagawin ko ang lahat para makuha ko siya,” sabi ni Angeli. “Mapaglaro ako rito, e, liberated. I’ve done it with different guys before and now, si Rico ang aking current object of desire.
“Hindi ko naman siya balak agawin sa wife and child niya. I don’t want commitment, but just a casual hookup. Tikiman lang,” dagdag pa ng dalaga.
“This is one of the most demanding roles I’ve ever played. I’ve never been obsessed with anyone, so I had to channel all my emotions into feeling na patay na patay talaga ako rito kay Chester as Rico,” pag-amin ni Angeli.
“Grabe rin talaga ang naging hirap namin sa sexual positions na pinagawa sa amin dito ni Direk Topel Lee. The number of adventurous and steamy sex scenes I did with Chester is just mind-blowing,” saad ng dalaga.