Kahit 13 years and going strong pa rin ang relasyon ng mag-asawang sina Megan Young at Mikael Daez, talagang marami ang nakakapansin na mas lalo pa silang nagiging sweet at obvious nandoon pa rin ang kilig nila sa isa’t-isa.
Kung ikukumpara kasi sa ibang mag-asawa na sa sobrang kumportable na ay nagiging kaswal nalang ang turing sa isa’t isa, sila ay parang nasa ligawan stage pa rin.
Marami rin ang natutuwa sa pagiging supportive ni Mikael sa pagiging diehard K-pop fan ng asawang si Megan, partikular na sa global hit group na BTS.
At dahil nga suportado ni Mikael ang hilig na ito ng misis, kaya naman pati siya ay nakikinood at nakikisubaybay na rin sa mga K-Pop idols. Kamakailan lang ay sinamahan pa niya ang asawa sa South Korean trip nito.
“Nakakatawa, isang beses, sinundo ko siya sa salon,” panimula ni Megan. “Sabi niya, ‘Nandito ko sa salon, nagpapagupit.’ Hindi ko alam, nagpa-perm siya. Kulot ang buhok niya. Sabi ko, ‘Nagpa-perm ka ng ganyan?’ Sabi niya, ‘Yeah.’ Tapos, ipinakita ko sa kanya ang picture ni BTS Jin bago siya mag-military na kulot-kulot din ang buhok. Sabi ko, ‘Hala, parehong-pareho kayo ng buhok,’” sabi ni Megan.
“I realized, it’s fun. Being a fangirl, it’s so much fun. It’s so much fun to follow an artist. Enjoy their music, you know? When you’re following someone…Maybe if you have a favorite actor and you watch all of their shows…For me, following Seventeen and BTS, it’s because I really enjoy their music and it makes me happy,” sabi pa ng aktres.
Ayon pa sa dalawa, wala pa silang balak na magkaroon ng anak dahil sa ngayon ay ang fur babies nila ang itinuturing nilang anak.