May viral video pala ang aktres at dating beauty queen na si Bianca Manalo kasama ang kanyang nobyong si Senador Win Gatchalian kung saan umani ng mga postibong komento mula sa kanyang followers.
Bigla kasing sumayaw ang dalaga habang tumutugtog ang “Flip” sa background at makikita rin sa video ang partner ni Bianca nakaupo sa sofa habang hawak at nilalaro nito ang alagang asong si “Pearlie.”
“My babe @stgatchalian74 and my baba Pearlie, dancing monanay,” ang inilagay na caption ni Bianca sa kanyang IG post.
Maraming positive comments ang nakuha ni Bianca at halos lahat ay natuwa sa kanyang pagsasayaw. Sa katunayan, may mga kinilig pa nang makita sila together sa nasabing video.
Pero siyempre, andyan rin ang mga negazens, na hindi naman inatrasan ng dalaga.
“Mukantanga lang!” saad ng isang basher na sinagot naman ni Bianca na “Welcome, basher!”
Kasunod nito kinuyog din ng mga netizens ang hater at ipinagtanggol si Bianca.