Aminado ang aktres na si Jennica Garcia na umaasa siyang masusundan niya ang mga yapak ng kanyang inang aktres na si Jean Garcia.
Ayon sa kanya, halos pareho ang naging kapalaran nila ng kanyang ina dahil kung matatandaan, nagkaroong muli ng pagkakataon si Jean noon na sumikat muli sa showbiz.
“I don’t think many people know, but my mom also had her second shot at showbiz. She made it big with ‘Pangako sa ‘Yo’ (2000). So, I’m praying na sana pareho kami ng kapalaran ni Mama kasi, after my seven-year hiatus, when I returned, that was the same age as Mama then. History repeats itself. Ayos na ayos sa akin ‘yun. This is my second wind,” saad ni Jennica.
Ibinahagi rin niya ang ilang advice na ibinigay sa kanya ni Jean.
“The first one was when I was 17 and she told me to be nice to everybody. Basta katrabaho mo sila, regardless of their position, be respectful. Her second advice to me, when I returned to showbiz, she told me that was exactly what happened to her. She went to Japan, migrated and worked there. But when the ABS-CBN offer for ‘Pangako sa ‘Yo’ came, Mama accepted it. Since then, she never left the country again. Nagtuloy-tuloy na ang trabaho niya. My mom told me, ‘Anak magaling ka ng artista. Kailangan lang mabigyan ka ng tamang project. Magtiwala ka lang,’” sabi pa ni Jennica.
Samantala, kahit na super busy na siya ngayon sa pagtatrabaho, sinisiguro pa rin ni Jennica na nakapaglalaan siya ng sapat na panahon para sa kanyang mga anak.
Bukod sa ABS-CBN series na “Dirty Linen” at sa ginagawa niyang pelikula, isa na rin siyang host ngayon para sa weekly show sa Pie Channel na “Ur Da Boss” kasama si Melai Cantiveros.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magho-host ng sarili niyang show si Jennica kaya naman magkahalong kaba at excitement ang mararamdaman niya.
Inamin naman ni Jennica na may mga pagkakataong hindi na niya alam ang date dahil sa dami na ng kanyang ginagawa, “Sometimes, I don’t even know what day is it. I am often not aware anymore.
“I just make sure I have my schedule for the week. It can really get overwhelming. Hindi ko agad tinatanong ang schedule ko sa handler ko,” sabi pa ng aktres.
Pero siniguro naman niya na kahit super loaded na ang kanyang schedule, ay nabibigyan pa rin niya ng quality time ang dalawang anak, “The activities that they do in school, the field trips, I make time for them. Also, if my presence is needed.”