Nilinaw ng aktres na si Sue Ramirez ang mga kumakalat na balita ngayon na isa umano siyang lesbian at ang nakakagulat pa ay naging jowa niya umano ang kanyang kaibigan at kapwa Star Magic artist na si Maris Racal.
Sa isang panayam, nilinaw ni Sue ang tsismis na ito.
“Tomboy daw ako!” ang pag-amin ng Kapamilya actress habang tumatawa nang bonggang-bongga. “Sa landi kong ‘to? Chareng! Ha-hahahaha! I like boys common, guys,”saad ni Sue.
Samantala, para kay Sue non-negotiable raw sa isang relasyon ang panloloko, pagtataksil o cheating.
Aniya, kapag pumasok ang isang tao sa isang serious relationship dapat lang na maging loyal at faithful sa kanyang partner, wala raw itong “ifs and buts”. Dapat daw isa lang ang pag-aalayan natin ng ating pag-ibig.
Aminado naman ang dalaga na maligayang-maligaya pa rin siya sa kanyang boyfriend na aktor at ngayo’y Victorias City Mayor nang si Javi Benitiz.