Naka-quarantine ngayon ang aktres at Quezon City councilor Aiko Melendez dahil nagpositibo siya sa COVID-19 pagbalik niya mula sa kanyang trip sa Europa.
Pero kahit may sakit, patuloy pa rin ang serbisyo ng kanyang opisina dahil may iniwan siyang instructions sa kanyang Team AM at nitong nakaraan ay pinost niya ang mga constituents na nakatanggap ng guarantee letter galing sa kanyang opisina.
“Marami muli tayong natulungan ngayong araw na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng Guarantee letter sa aking mga kadistrito! Ako ay kaisa nyo sa patuloy na pag galing n’yo. Karangalan ko ang magserbisyo sa inyo! #AksyonAtMalasakit #Councilor #AikoMelendez,” saad ng aktres sa kanyang caption.
Nagbahagi rin ang aktres ng kanyang pinagdaraanan ngayong may Covid-19 siya.
“Covid Serye – Rashes, LBM another achievement unlocked brought to you by COVID… Honestly kung mahinang strain lang itong kumapit sa akin then kaya naman labanan ang Covid. I mean so early for me to say this. I’ve had all the symptoms: Colds, Cough, Fever, LBM, Rashes, Shortness of breath,” sabi ng konsehala.
Inihayag pa ni Aiko na dahil sa kanyang sakit ay mukhang hindi niya makakasama ngayong Mother’s Day ang kanyang mga anak.
“Kinakaya ko nahihirapan ako more sa pag ubo. And ‘yung biglaan mag-isolate ka na ‘di ka handa. It’s almost Mother’s day and the truth is I may not be able to spend it first time with my kids this Sunday. And that completely breaks my heart,” sabi ni Aiko. “Sila ang mundo ko ‘tas bigla sa important okasyon wala ako. Single mom / dad pa naman nila ako, so, ang kalaban sa COVID is utak mo,” dagdag niya.