Ibinahagi ng aktres at singer na si Maris Racal ang naranasan niya nang magbiyahe siya pauwi sa Maynila sakay ng isang eroplano.
Kasi naman, nagmistulang “instant mom” ang dalaga at ipinakita niya ito sa kanyang IG kung saan may larawan siyang may kargang bata.
Galing sa Italy ang dalaga matapos niyang dumalo sa Udine Far East Film Festival 2023 para i-represent ang kanilang pelikulang “Where Is The Life” mula sa direksyon ni Quark Henares.
“Nagpadede, nagpatulog, at naging instant ina po tayo sa biyaheng pa Manila,” saad ni Maris sa caption at dagdag niya, nang makita niya na mayroon siyang katabing baby, talagang natuwa at na-excite siya lalo na’t isang Pinoy rin ang kasabay nito.
“When I saw na may baby akong katabi, my heart leaped out of my chest. Idk but I just love babies and I love baby sitting huhu!” sabi ni Maris.
Kaya naman super happy ang aktres na makatulong rin sa ina lalo na’t hindi naman talaga madali ang bumyahe na may kasamang baby lalo na sa eroplano.
“Glad to have helped a kababayan Mom during this trip! Yes masaya po ang tulog niya! See last photo. so happy i met these two beautiful people!” lahad pa ni Maris.
Kitang-kita naman sa mga larawang ibinahagi ng aktres with consent na talagang nag-enjoy siya at naging komportable rin ang mag-ina sa presence niya.