Aminado ang aktres na si Kris Bernal na tanggap na niya ang mga pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay ngayong nagdadalang-tao siya sa panganay nila ng mister niyang si Perry Choi.
Ayon sa kanya, ngayon niya napatunayan na hindi madali ang magbuntis at maging isa nanay at dagdag niya, tuluyan na niyang niyakap ang pagbabago sa kanyang katawan. Hindi na raw kasi siya makapag-workout nang todo unlike before.
“Actually, I’m embracing talaga the changes in my life, not just physically. Kasi ako talaga, fitness fanatic ako, e. I’m used to having a flat tummy…super exercise ako, muscled ako,” sabi ni Kris.
“Pero ngayon nai-embrace ko na ganito ’yong pagbabago sa katawan ko, ganito ’yong changes sa lifestyle ko. Kailangan nag-a-adjust na ako para sa baby,” dagdag niya.
Na-experience na rin daw niya ’yong sinasabing sakripisyo ng isang ina hindi pa man niya tuluyang ipinanganganak ang kanyang baby.
“Talagang nu’ng first trimester ko bed rest ako then meron akong mga infection, ganyan. Pero titiisin mo talaga. Iinom ka ng gamot on time. Kakainin mo ’tong mga ito. Talagang simula pa lang nandu’n na ’yong sakripisyo mo,” sabi pa niya.
Napansin na rin umano ng aktres na nagbago na ang mindset niya dahil mas inuuna na daw niya ngayon ang magiging future ng baby nila ni Perry.
“Ang isip ko nasa future na ng bata. ’Yong, alam ko magastos ako, alam ng asawa ko ’yan, alam ng lahat magastos ako. Pero ngayon, ang iniisip ko na ’yong future ng baby. Nagugulat ako sa sarili ko kasi hindi naman ako ganito. Hahaha!” dagdag niy Kris.
Kahit na mahirap ay ini-enjoy naman daw ni Kris ang journey niyang ito to motherhood.
“Looking forward din po ako sa experience, sa lessons, at saka dito sa lahat bago sa akin. Gusto ko matutunan lahat. Willing ako natutunan lahat with the baby,” pahayag niya.