Inamin ng aktres na si Sofia Andres na naging pasaway siya in the past pero hindi naman grabe ang kanyang mga nagawang pagpapasaway at nagbago rin ito nang maging ganap na siyang ina.
Ayon sa kanya, naganap na ang mga pagbabago lalo na ngayon na lumalaki na ang anak niyang si Zoe who will turn four years old.
“Yes, I admit na naging pasaway ako. I feel po, being a mom really changed me a lot. Kasi, lahat po tayo, may pinagdadaanan,” saad ni Sofia. “May wall po ako dati.”
Aminado rin siyang hindi niya nasakyan ang sistema sa showbiz kaya nagkaroon siya ng wall, lalo ang judgment na ibinibigay sa kanya.
“E, siguro po kasi people judge. We can’t avoid that in showbiz. Parang sabi ko, ‘I’ll just let it be.’ Nakaka-trauma po kasi,” sabi ni Sofia.
Dagdag niya, mahina siya when it comes to competition.
“Parang competition talaga siya, eh. Eh, mahina ako sa ganun. So nahihirapan po akong i-weigh, ‘Paano ba? Kailangan ba walang wall, o may wall? Paano ba ito?’” sabi ni Sofia.
When it comes to love, naging defensive ang aktres, “Kasi ang defense mechanism ko po… kasi pag nagmahal po ako, I’m very vulnerable. I’m sensitive. I give all. So baka masaktan lang ako. I’d rather not. Dati po iyon. Ngayon, what you see is what you get. Okay na ako. If you don’t like me, that’s okay,” saad ng aktres.
Sobrang tuwa ni Sofia na sa kanya ibinigay ang role na Nyx, isang babaeng madly in love sa character ni Jake Cuenca sa “The Iron Heart”. Ang feeling kasi niya, since nanganak na siya ay on the way out na ang kanyang career.