Dalawang taon matapos pumanaw ang kanyang asawa, nakatagpong muli ng mamahalin ang Asia’s Vocal Supreme na si Katrina Velarde at ipinakita na niya ang bago niyang boyfriend na nagpapaligaya at nagbibigay ng mas makulay na buhay ngayon sa kanya.
Ayon sa tinaguriang Suklay Diva, hindi niya inasahan ang pagdating ng bagong pag-ibig sa kanyang life ngunit tinanggap niya ito nang bonggang-bongga dahil ang feeling niya ito na ang tamang panahon para ma-in love uli.
Sa kanyang IG, ibinahagi ni Katrina ng mga picture niya kasama ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso. Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng guy at kung paano nagsimula ang kanilang love story.
“Hi, captain and my pilot in command. You took off so fast and nicely LANDED in my heart and I was NOT prepared for your arrival, but here you are with me right now…” saad ni Katrina sa kanyang post.
“Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sa ‘yong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat. I thank God that he allows me to fall in love again,” dagdag niya. “It’s not afam is life, it’s your love that is life.”
Marami namang netizens ang nag-congratulate kay Katrina, at lahat sila ay super happy sa kanyang bagong lovelife. Anila, deserve niya ang lumigaya uli at mahalin ng lalaking ipinagkaloob sa kanya ni Lord.
Kung matatandaan, nagpakasal si Katrina sa musician na si Mike Shapiro noong May 2021. Pero pagsapit ng November, 2021, ay sumakabilang-buhay nga ito.
Nakilala ni Kat ang yumaong asawa nang dahil kay Gary Valenciano. Si Mike ang nagsilbing drummer ni Mr. Pure Energy sa kanyang mga concert sa Amerika.
Palagi ring kasama si Mike kapag nagpupunta at nagko-concert sa bansa ang mga international singers na sina Sergio Mendes at Kevin Lettau.