Nitong nakaraan ay may nasa mga lampas 30 gumagamit ng e-wallet platform na GCash ang nagpahayag na bigla umanong nawala ang kanilang mga pera. Ang isa, ginamit daw sa isang online shopping application.
Nakikipagtulungan naman daw ang GCash sa mga awtoridad para mahuli ang mga manloloko.
Ayon sa Eastern Metro Manila Headquarters sa Pasig City, mahigit 30 reklamo na ang natanggap nila mula nitong Enero.
Ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), tanging ang operating company na GCash ang makapagpapaliwanag kung ano ang nangyari.
“Sila naman ang nakakakita ng ins and outs ng money transaction, so whether na pumunta samin, to ask for police report, ultimately sila pa rin ang mag-iimbestiga niyan because they have their own anti-fraud department,” paliwanag ni PNP Spokesperson Michelle Sabino.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng GCash na nakikipag-ugnayan na sila sa awtoridad para habulin ang mga nasa likod ng panloloko.
Nagpatupad din sila ng “Double Safe” security feature na gumagamit ng “facial verification as another measure to protect our customers.”
“We want to remind our customers to be vigilant against scammers and never share their MPIN or one-time password with anyone,” dagdag niya.
Kaya payo natin sa ating mga kababayan, mag-ingat sa mga pinupuntahang mga websites online na mayroong kalakip na mga transaksyon dahil naglipana na talaga ang mga scammers na walang ginawa kundi ang manlamang sa kapwa.