Magkakaroon ng bahagyang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes at ayon sa inilabas na magkahiwalay na abiso ng Seaoil Philippines Corp. at Pilipinas Shell Petroleum Corp. nitong Lunes, sinabing P0.50 per liter ang ibababa ng presyo ng gasolina, P0.25/L sa diesel, at P0.30/L sa kerosone.
Kaparehong tapyas din ang ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz, maliban sa kerosene na wala sila.
Nauna nang sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero, na ang rollback ay bunsod ng fluctuating demand concerns sa China at Amerika, at ang magtaas ng supply ng langis mula sa mga bansang hindi kasapi ng OPEC.
Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng taas-presyo sa gasolona ng P0.50/L, habang nabawasan naman ang diesel ng P0.40, pati ang kerosene ng P0.35.
Mula Enero hanggang Marso 5, nagkaroon na ng net increase ng P5.95 per liter sa preyo ng gasolina, P4.05 per liter sa diesel, at P0.05 per liter naman sa kerosene.