Humingi ng paumanhin si Miss World 2013 Megan Young matapos mabash nang todo-todo ng ilang mga African pageant fans matapos niyang ayusin ang buhok ni Miss World Botswana Lesego Chombo sa question-and-answer portion ng 71st Miss World competition noong March 9.
Nabash si Megan dahil napagbintangan umano si Megan na gumamit ng “witchcraft” o kulam kaya nawala umano ang suwerte ng pambato ng Botswana, South Africa.
May mga pamahiin kasi ang ilang mga Africans lalo na pagdating sa kanilang buhok dahil sagrado umano ito bilang isang simbolo ng kanilang kultura at hindi rin umano maganda para sa Africans na bigla-bigla nalang hahawakan ang kanilang buhok.
Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Megan ang kanyang apology at ayon sa kanya, aminado siyang nagkamali siya pero wala siyang masamang intensyon.
“I wanted to offer a helping hand but I failed to oversee the bigger picture. This could have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable,” saad ni Megan sa kanyang FB post.
Sinabi rin niya na nakausap na niya sa personal si Lesego upang humingi ng tawad.
“We have spoken privately last night at the hotel and I have apologized to Lesego in private,” saad ni Megan “To those who witnessed the incident, I also want to apologize for any discomfort or confusion my actions may have caused.”
“It was a thoughtless and disrespectful act, and I take full responsibility for it,” dagdag niya.
“I assure you that it was not my intention to invade personal space or make anyone feel uncomfortable. I deeply regret my actions and will strive to be more mindful and respectful in the future,” sabi pa ni Megan.
Makikita sa comment section na nagsalita na rin mismo si Miss World Botswana at nakiusap sa kanyang mga kababayan na maging “kinder” hindi lang kay Megan, kundi pati na rin sa bagong reyna ng Miss World na si Krystyna Pyszková ng Czech Republic.
“Batho bame (My people), I appreciate that you are all looking out for me, but it really doesn’t make me feel good when you bring other people down in my name or for my sake,” apela niya. “Please be kinder, please. To Krystyna, to Megan, be kinder.”