Aminado ang aktres na si Kris Bernal na parang isang superhero ang kanyang pakiramdam lalo na at nakakatulong siya sa ibang mga ina sa pamamagitan ng pag-donate ng kanyang sobrang breastmilk.
Ayon sa aktres, mukhang ang oversupply niya ng breastmilk ang kanyang super power kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na ipamigay ito upang makatulong pa sa ibang mga mommy.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang isang video ng pangongolekta niya ng breastmilk at makikita rin na napuno na nito ang kanyang refrigerator at sa huli ng video ay mapapanood ang pagbibigay niya ng breastmilk.
Ayon kay Kris, hindi gusto ng kanyang anak na si Hailee ang ininit lamang na breastmilk kaya madalas ay dino-donate niya ito sa mga nanay na nangangailangan nito.
“I haven’t talked about it but God truly blessed me with an oversupply,” sabi ni Kris sa kanyang caption. “He even blessed me more by how I am able to donate to precious NICU babies or preemies and other moms who haven’t been able to do the same [folded hands emoji].”
May nabanggit pa siya na may regular siyang binibigyan ng breastmilk dahil na-diagnose ito ng breast cancer.
“Due to her chemotherapy, she cannot breastfeed. Her strong, healthy, normal miracle baby is named after the patron of people with cancer, Saint Ezekiel Moreno [holding back tears emoji],” dagdag niya
“I believe not all superheroes wear capes. I make milk, I save lives. It’s my superpower, eyyy?! [emojis] Happy International Women’s Day!” sabi pa ni Kris.