Hindi nagpakabog ang aktres na si Janella Salvador sa kanyang pagrampa sa red carpet ng 2024 Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong.
Nasa Hong Kong ang aktres upang maging host para sa world premiere ng pagtatambalang movie nila ng Thai actor na si Win Metawin — ang “Under Parallel Skies” mula sa direksyon ni Sigrid Bernardo.
Sa IG ng Star Magic, proud nilang ipinakita ang ilang stunning photos ni Janella.
“A cinematic milestone for Janella Salvador at the [sparkle emoji] 17th Asian Film Awards [sparkle emoji] in Hong Kong for the cross-border film ‘Under Parallel Skies’!” caption sa post.
Kasabay niyan ay inanunsyo rin ng talent management arm ng ABS-CBN na ipapalabas ang pelikula ng dalawa sa mga lokal na sinehan sa darating na April 17.
Sa hiwalay na post, ibinida naman ang picture ng aktres kasama ang Thai actor na tila twinning pa sa kanilang black designer clothes.
“A film collab to remember for Star Magic’s Janella Salvador and Thai actor Win Metawin in ‘Under Parallel Skies’!” wika sa IG.
Noong nakaraang buwan lamang nang inilabas ang official teaser ng nabanggit na pelikula.
Ang first international project ng dalawa ay unang naging usap-usapan matapos mag-viral sa social media ang pictures nila together noong June 2023.
Makalipas ang isang buwan ay kinumpirma na nga ng production company na 28 Squared Studios na may upcoming project ang bagong love team.