Tatlo katao ang naitalang nasawi matapos umanong magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng Janiuay sa Iloilo.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa national road sa Barangay Jibolo at kinilala ang mga nasawi na sina Joem Benedicto, 21-anyos, rider ng isang motorsiklo, at ang pinsan na angkas niya na si Marlon Gonzales, 22-anyos, na residente sa lugar.
Nasawi rin ang nakabanggaan nilang rider na si Norman Gajo.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ang motorsiklo na minamaneho ni Benedicto at paglipat nito ng linya ay nakasalubong at nakabanggan na ang motorsiklong minamaneho ni Gajo.
Ayon naman kay Police Captain Alwyn Salmon, hepe ng Janiuay Police, mabilis ang takbo ni Benedicto nang mag-overtake sa sinusundang tricycle.
Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang tatlo na dahilan ng kanilang pagkamatay.