Palakpakan na may kasamang sigawan ang iginawad ng mga loyalistang “Can’t Buy Me Love” dahil umariba talaga sa aktingan itong si Belle Mariano bilang katauhan niyang si Caroline Tiu.
Habang nag-aagahan ang buong Tiu family, kinumpronta ni Miranda bilang Ling ang lahat dahil alam na nito ang katotohanan tungkol sa namayapa niyang ina.
Best in Taglish talaga ang delivery ni Belle at damang-dama mo ang galit at sakit na nararamdaman nito habang isa-isang hinarap ang mga katauhang binibigyang buhay nina Agot Isidro, Karla Estrada at Maris Racal, ang mag-iinang Young-Tiu na sina Cindy, Bettina at Irene. Nasa breakfast table rin ang Tiu patriarch, si Wilson na ginagampanan ni Rowell Santiago at ang only male heir nitong si Charleston, si Albie Casino.
Si Racal, bilang bratinella, nakatikim ng isa kay Caroline, bag ibinato nito sa half-sister para manahimik sa pagmamaganda at pagpalakpak.
Sa totoo lang, marami talaga ang napa-hinto, pinakinggan at pinanood ang moment like this ni Mariano at talagang kay galinfg-galing nito. Kaabang-abang ang susunod na kabanata at kung paano lulusatan ni Cindi ang akusasayon na ipinamukha sa kanya.
Ang ka-love team ni Miranda, si Donny Pangilinan, level up rin bilang Bingo na ipinamalas ang kanyang my eyes speak in volumes acting.
May eksena rin kasi itong hindi sinasadya na makatagpo ang inang matagal nawalay sa kanya, ang mama Annie niyam na si Ina Raymundo ang gumaganap. Ang nakaka-pull the heart strings sa eksena, hindi siya nakilala, at walang lukso ng dugong naramdaman si Annie para sa bugtong na anak na kay tagal na rin niyan hinahanap. Ang ginawa pa nito, binigyang salapi si Bingo, dahil nga hindi nila ito sinasadyang mabangga.
Ay! Ang talim-talim ng mga mata ni young master Pangilinan sa eksenang papalayo na ang sasakyan sa kanya. Mula sa pagkabigla, suklam ang naramdaman nito para kay mama Annie niya na pakiwari niya, ipinagpalit siya sa pera, huh!
Nakakatuwa na humuhusay sa aktingan si Mariano at si Donny at panalo ang story arcs nila. Kasi nga, may persepsyon na ang tambalan nina Anthony Jennings at Racal, bilang sina Snoop at Irene, kinakabog na ang BingoLing main love story eh.
Ngayon, magkaka-alaman pa lalp kung gaano kahusay ang manunulat at direktor ng “Can’t Buy Me Love” dahil nasa maigting na bahagi na ang kanilang mga kabanata.
Kay Belle Mariano, mahusay ka, mabuhay ka ning. Ipagpatuloy mo ang ganyang playing for truth at tiyak, milya-milya pa ang iyong i-aariba bilang aktres!
***
Ang daming bashers ng mga kalalakihang naka-maskara sa nangyari kamakailan na UP Oblation Run na ang may pakana, mga miyembro mula sa Alpa Phi Omega Philippines’ Eta Chapter.
Taunan itong ginagawa ng mga fraternity brother at ito ay isang political protest. Ang kanilang prinoprostesta ay ang naka-ambang charter change.
Hindi po ito runway event. Mas lalong hindi male beauty contest. Ang ibinuyangyang na mga katawan doon ay sa mga tunay na lalaki, kasi nga ang tunay na lalaki, walang abs, at walang obsesyon sa abs dahil nga secure sila sa pagiging lalaki at mga pagkalalaki nila.
Sa mga lumalait sa sukat ng mga pangangatawan at pagkalalaki ng mga nag-protesta, alam na alam na agad kung gaano kaya kababaw at tiyak na tiyak, hindi health reasons ang dahilan kayo fit,mga vanidoso kayong tanging laman lang na hinulma sa gym ang mayroon. Yun lang!